Sa tuwing nakikita ko yang si Kevin Balot, sinasapul ako lagi sa mukha e. Sobrang ganda. Sobrang sexy. Sobrang kinis. Sobrang puti. Sobrang tangkad. Perfect. Pero lalaki siya. Pero kahit na ganun, kahit na lalaki siya, di siya nahiya ipakita kung ano ang nasa puso niya kahit sinampal niya ako ng sampung libong beses at pinamukha sakin na MAS MAGANDA SIYA SAKIN! Na kapag pinagtabi niyo kaming dalawa, takte. Takte. Takte. Taob talaga ako guys. Hahahahaha.
Pero deh. Idol ko si Kevin kasi ang ganda ganda niya talaga. Hihihi. Swear. ♥
May isang lalaki, nagjoke. Nagtawanan lahat ng tao. Maya maya, jinoke niya ulit yung una niyang joke. Yung iba natawa pa din. Yung iba hindi na. Makalipas ang ilang minuto, jinoke niya ulit yung una niyang joke. Hanggang sa wala ng natawa. Korni na.
Hindi mo kayang tawanan ang isang joke ng paulit ulit. Pero bakit kapag paulit ulit kang nasasaktan, paulit ulit ka na lang din umiiyak? Tang ina lang di ba. Sana joke na lang lahat.
Minsan nang naitanong sakin ni Ninong Mark kung ano pakiramdam ng magkaroon ng karelasyon galing tumblr.
Ang sagot ko,
“MAHIRAP”
Lalo na kung yung taong yun ay matagal na sa tumblr. Madaming kaibigan. Tumblr friends = Mangengelam sa lovelife ng kaibigan nila.
Sad but true. I once did this and the result wasn’t good. I admit, I was wrong na pakelaman sila. I’m still mad at them. Pero wala ehh. Tumblr people yan.
Pero nasa sainyo pa din naman yan e. Marunong ka lang dapat pumili ng taong mamahalin para di ka nagkakamali ng desisyon sa buhay. Nasa sainyo yan kung hahayaan niyong pakeelaman kayo ng mga kaibigan niyo.
Kung papakeelaman man kayo, yun dun sa sitwasyon na di niyo na kaya mag-usap at kailangan niyo na ng advice, dun lang. Pero konting away, konting di pagkakaintindihan, kaibigan lagi ang hanap, medyo lalala talaga yan.
And please, kung ganyang may away, ayusin niyo muna ng kayong dalawa lang. Wag nyo na paabutin sa iba kasi mahirap. Mahirap kapag may nangialam.
Well, hindi lang naman tumblr people ang problema. Yung iba e, yung ugali na mismo ng ka partner mo. Magiging mahirap lang yun kapag di siya open-minded at well, tumblr people are known for being malandi. So matinding busisi lang.
Ang landian dito, landian lang. Pag na-fall, talo talaga.
Gusto ko lang malaman kung kahit minsan sumagi di ba ako sa isip mo? Yung bigla mo na lang ako maiisip out of nowhere kahit na may ginagawa ka? Iniisip mo ba kung ano ang ginagawa ko? Kung iniisip din ba kita? Kung naalala kita? Sumagi din ba sa isip mo ang kausapin ako?
Naalala ko. Si Kevin Balot pala yung bida ngayon sa MMK. Uuwi dapat ako kasi nasa labas ako kaso nagtry muna ako magtanong sa twitter kung start na ba MMK. Tapos mag nagresponse na kanina pa pala at malapit na matapos.
Inaabangan ko pa naman story nun ni Kevin Balot kasi ang ganda ganda niya guys. Hahaha. Naiinggit ako. Kaso pag uuwi pa ako para manood, wala na din ako aabutan. Haixt, Nangangati ilong ko sa yamot. Di na lang ako uuwi. Hahahaha. :-(
I miss everything. Nakatingin na lang ako sa cellphone ko. Ni isang text o tawag galing sayo, wala na ako matanggap. Ibang iba dun sa dati na lagi mo ako ini-spam ng texts na kung ano ano. Cute text messages, corny, sweet na laging nagpapangiti sakin o chinicheer ako palagi. Namimiss ko na yung dati na sinusurpresa mo ako ng “good morning” o “good evening” messages mo. Yung mga late and endless night conversation natin. It went from everything to nothing. Everything we once had, went down to drain. Kailan kaya ako makakatanggap ulit ng tawag mo o ng text mo. Pero alam ko naman na di na mangyayari yun ulit.
Namimiss ko na yung halos endless conversation natin non. Yung mga memorable and unforgettable memories na binuo nating dalawa. Namimiss ko na din yung lagi tayong lumalabas at nagsasaya. Namimiss ko na yung dating tayo. Namimiss ko na lahat ng kung anong meron tayo non. Ano na ba nangyari sating dalawa? Bakit nagkaganun? Bakit blglang nawala?
Hindi ka naman nya pinilit na mahalin mo sya eh, dahil una pa lang ikaw na ang nanligaw. Hindi nya sinabing kunin mo ang number nya at itext mo sya hanggang abutin kayo ng madaling araw. Kaya sana panindigan mo naman yung mga responsibilidad mo as boyfriend nya. Hindi ka nyan sinagot para paiyakin at saktan lang sya. Sinagot ka nyan kase naniniwala syang may maidudulot kang maganda sa buhay nya. Alam nyang aalagaan at mamahalin mo sya. Alam nyang mag eeffort ka para lang ipagtanggol sya at ipagmalaki sa iba. Alam nya na handa mong gawin ang lahat para lang magtagal kayo at wag ng matapos pa. Kaya sana wag mo naman syang biguin. kase nga sinagot ka nya dahil alam nyang MAHAL mo sya.
Uwi na ako kasi wala na naman ako sa mood. Haixt. Mag emo hearts na lang ako sa jeep maya. :-( Deh. Nawala lang talaga ako sa mood kaya out na ako ng maaga. Sigi guyths. Bye. Ingat. God bless. ♥
Late afternoon.
Just an update about my OJT experience.
Halos lahat ng Sir and Maam namin dito, kaclose na namin at kabiruan. Especially, yung mga nasa dispatching area. Kilala nga nila si Mang Kanor tapos ginagago nila yung may-ari nung kompanya na pinag-oojthan ko. Tawag nila Mang Kanor. Hahahaha. Ayun.
Yung mga ginagawa kasi dito sa dispatching is ina-assemble yung mga furnitures. From dining set to wardrobes to double deck and everything. Basta part by part ina-assemble nila yun. Which is a very hard task kasi mabigat yun. Lagi sila pinagpapawisan. Plus yung office ng dispatching is hindi aircon. Kaya sama sama na sila dito. Drivers, pahinante. Halo halo na. Kaya walang privacy.
Unlike yung accounting office dito. Na kinocompose karamihan ng mga babae. Na lagi lang nag fafacebook at candy crush sa loob. I-compare mo naman ang trabaho ng sa dispatching sa accounting. Dito paguran talaga tapos sa loob, pa-aircon aircon na lang. Mas mataas pa sweldo nila.
Medyo naaawa din ako kasi sila napapagod tapos yung mga nasa loob, medyo pasarap. Hahaha. Well, ganun pala talaga kapag may pinag-aralan e. Sa huli, pasarap ka na tapos mataas pa sweldo.
Pero ang gusto ko lang talaga sabihin eh masaya dito sa dispatching kasi nag momovie marathon at tumblr, facebook, twitter lang kami. HAHAHAHA.
Sa totoo lang, takot ako na mawala ka sa buhay ko. Oo, tinatago ko yun sayo pero takot talaga akong mawala ka sa buhay ko. Ang dami dami na nating pinagdaanan. Ang dami dami na nating memories together. Hindi ko kayang isantabi lahat ng yun at kalimutan ang lahat. Kung mawawala ka bigla sa buhay ko, di ko na alam ang gagawin ko. Baka mabaliw ako o ano pa. Kasi alam ko sobrang halaga mo sakin. Ayoko talaga mawala ka sa buhay ko. Ayoko.
You’ve become part of my daily routine.
I can’t afford to lose someone I am already attached to. Especially if they’re my close friends. Hindi ko kayang mawalan ng kaibigan na nagpapasaya sa akin at kasa-kasama ko sa mga kalokohan sa buhay. I can’t lose someone who had made a big impact on my life. I really can’t.
Gusto ko ng lalaking mag mamakeface bigla kapag di ako nakatingin tapos bigla na lang siyang tatawa kapag nahuli ko siya. Ang cute non para sakin. Yung lalaking mamahalin ako higit pa sa pagmamahal ko sakanya. Yung lalaking mapagsasabihan ko ng lahat ng hinaing ko sa buhay at ipaparamdam sakin na mahalaga ako, na importante ako, na ako na lang ang kulang sa buhay niya. Yung lalaking ganon. ♥ Alam ko meron pa. Hihintayin kita.
Thinking of turning off my phones, log out from my accounts here for a couple of weeks and go somewhere where there’s no one who knows me. I want to live for that weeks as a new me. Where meeting new people and being friends with them is a test.
And let’s see if I am going to pass it.